Wednesday, September 2, 2009

Tulirong Paridamdam

Walang ako magawa at medyo sinti ako nitong nakaraang araw kaya nagkalaman ang utak ko. Kaya ito ang naging bunga.


Tulirong Paridamdam

Nabe Reb II

Sa sobrang init ng panahon,
Puso'y mahirap huminahon.
Nagtipon iba't ibang emosyon,
Dulot nito'y agarang atensyon.

Galit ako'y iyong lubayan,
Sa isip ko ay naninirahan.
Inis at init ng ulo'y iwaksi,
Nang sa huli ay hindi magsisi.


Bakit ang sayang nadarama,
Saglit lang kung tumalima
Sa damdaming tahimik at payapa,
Ligaya'y dadaan at lalayo ng kusa.

Lumbay sa pusong laging sawi,
Kaylan kaya mapapawi.
Matatamis man ang mga ngiti,
Nakatago'y lungkot at dalamhati.

No comments:

Post a Comment