Wednesday, September 23, 2009
Runaway
Wednesday, September 16, 2009
PeysBuk

Monday, September 14, 2009
Gusto Kong Maging Senador
May isang nilalang na nagforward nito sa e-mail ko. Hindi ko nga lang alam kung recent ba ito o hindi. Pero sa tingin ko lang eh kailangan mabasa din ng iba na hindi pa nakakaalam.
Totoo kaya ito??!!!
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !
Monday, September 7, 2009
Yellow Lady

In commemoration of the 40th day after the death of former president Cory Aquino, I would like to share a simple poem I’ve made.
The Yellow Lady
Nabe Reb II
Courage is what makes you exceptional
A woman full of compassionate heart
Clashing the minds of the irrational
Taking the battle lightly like an art
Outshine your enemies and rivals
Achieving freedom for the nation
Democracy for the dear Filipinos
Leaving your own family behind
Rally behind the Lady
Rally behind her initiatives
Unite not just once
Together we battle the crooks
Yellow lady, we thank you
Though you have left
Filipinos will never forget
The bravery of the lady in yellow
Wednesday, September 2, 2009
Tulirong Paridamdam
Tulirong Paridamdam
Nabe Reb II
Sa sobrang init ng panahon,
Puso'y mahirap huminahon.
Nagtipon iba't ibang emosyon,
Dulot nito'y agarang atensyon.
Galit ako'y iyong lubayan,
Sa isip ko ay naninirahan.
Inis at init ng ulo'y iwaksi,
Nang sa huli ay hindi magsisi.
Bakit ang sayang nadarama,
Saglit lang kung tumalima
Sa damdaming tahimik at payapa,
Ligaya'y dadaan at lalayo ng kusa.
Lumbay sa pusong laging sawi,
Kaylan kaya mapapawi.
Matatamis man ang mga ngiti,
Nakatago'y lungkot at dalamhati.